Saturday, August 28, 2010

Gutom na Gutom

Saan ba ako magsisimula? Sa dami naman kasi ng gusto kong ikwento simula noong naglakbay ako at abandonahin ang blog na 'to, siguro matatalo ko pa ang Twighlight Saga(ambisyosa). Marami akong nakasalamuhang mga bampira. Bampira sila pero hindi dugo ang sinisipsip nila(kung ano man 'yun, akin na lang 'yun). 

Kagaya ng isang ordinaryong tambay na manglalakbay, naghihintay parin na may bumagsak na pagbabago galing sa langit. Nagmasid at nag obserba, kumuha ng mga impormasyong 'di naman talaga mahalaga. Naging mas matatag at mas matapang pero minsan nasosobrahan. Natutong maging responsable sa buhay ng iba pero hindi sa sarili. Natuto pero nanatiling bobo, hindi nailulugar sa tama ang kapirasong talino. Maihahalintulad sa isang kabalyero na pasukong lumalaban. Maling pananaw ang sandata at pag iwas ang naging solusyon sa problema. Hindi alintana ang mali dahil sa isang ordinaryong tambay na manglalakbay na tulad ko ay wala naman talagang tama.

Tanungin n'yo ko kung ano ang pinagsasabi ko. Hindi ko rin alam. Epekto lang siguro ng hunger-strike.