Saturday, August 28, 2010

Gutom na Gutom

Saan ba ako magsisimula? Sa dami naman kasi ng gusto kong ikwento simula noong naglakbay ako at abandonahin ang blog na 'to, siguro matatalo ko pa ang Twighlight Saga(ambisyosa). Marami akong nakasalamuhang mga bampira. Bampira sila pero hindi dugo ang sinisipsip nila(kung ano man 'yun, akin na lang 'yun). 

Kagaya ng isang ordinaryong tambay na manglalakbay, naghihintay parin na may bumagsak na pagbabago galing sa langit. Nagmasid at nag obserba, kumuha ng mga impormasyong 'di naman talaga mahalaga. Naging mas matatag at mas matapang pero minsan nasosobrahan. Natutong maging responsable sa buhay ng iba pero hindi sa sarili. Natuto pero nanatiling bobo, hindi nailulugar sa tama ang kapirasong talino. Maihahalintulad sa isang kabalyero na pasukong lumalaban. Maling pananaw ang sandata at pag iwas ang naging solusyon sa problema. Hindi alintana ang mali dahil sa isang ordinaryong tambay na manglalakbay na tulad ko ay wala naman talagang tama.

Tanungin n'yo ko kung ano ang pinagsasabi ko. Hindi ko rin alam. Epekto lang siguro ng hunger-strike.


Wednesday, August 25, 2010

Buhay Si Mendoza.

Hindi si Rolando, ako ang buhay... Si Rael Mendoza.*kindat
Mahirap pala pag bumalik sa umpisa na walang wala.
Gaya ng blog na 'to.
Sinubukan ko na magtayo muli ng panibagong tahanan pero mukhang dito parin ako dadalhin ng daliri ko.
Dito kasi ako nagkaroon ng fans.*lol

Dahil medyo nag matured na ako ng tatlong dangkal naisip ko na medyo magbago ng kaunti sa konsepto ng pagsusulat ng walang kwentang mga post.
Kaya binura ko na 'yung luma kong mga post na inamag na sa tagal.
Ayaw ko na kasing balikan ang masaklap na sinapit ko sa inyo.*kirat

Marami pa akong aayusin at babaguhin dito kaya sana welcome parin ang blog na 'to sa speryo ng mga taong bisyo ang magtype.
Kung hindi n'yo ako muling matatanggap, wala kayong magagawa.
Trip ko bumalik eh!
Bawal maingget.*hehe